Search This Blog
Your ultimate guide to embracing motherhood while maintaining a stylish and fulfilling lifestyle.
Let's take a look into this
- Get link
- X
- Other Apps
It's Been Awhile- Life Recently (Kwento about sa Gallbladder Operation Ko)
My friends who visited me at the hospital. Di pa ako pwedeng tumawa pero pinapatawa na nila ako.hahaha |
I haven't posted anything for the past 5 months. A lot of things happened that I am having a hard time keeping up. Anyway maraming akong kwento pero siguro one day at a time lang muna kasi sobrang haba. Eto na nga yung kwento.
Diba na operahan ako sa Gallbladder last October 13 and tinanggal na nga talaga for good. Sobrang bilis ng mga pangyayari na wala na akong gustong gawin basta maalis nalang talaga. Grabe yung gastos guys!
Legit na ang laki ng binayaran ko given na may health card ako. Pero ayon na nga ayoko nalang din masyadong isipin kasi para naman talaga yun sa sarili ko. Gusto ko pang mabuhay ng matagal kasi may mga anak pa akong maliliit. Pero bago pa ako mag-undergo ng operation literal na sobrang ang hirap ng mga pinagdaanan ko. Mahigit kalahating taon akong pabalik-balik sa ospital dahil sa akala ko GERD. Laging masakit sikmura ko. May makain lang akong bawal na ti-trigger na agad. Kung makikita niyo lang ang itsura ko tuwing nasa ER ako sobrang nakakahabag. Pero di ako na-confine ni minsan, puro ER lang then pinauuwi na din.
Nagsawa na ako sa ganong scenario so nag pa checkup na ako sa Gastro Doctor and dalawang test ginawa saken, isang whole abodminal UTZ and Endoscopy. Sa ultrasound palang nakita na dun na may gallstones ako and then may fatty liver. So yung talaga yung main cause bakit lagi akong sinisikmura. And then after ng UTZ nag pa endoscopy naman ako. Yung result okay naman hindi naman nakakabahala. So lahat ng test dito ko sa St. Lukes BGC pinagawa. Buti nalang may card ako kaya wala akong binayaran sa mga laboratory. Ang reco ng doctor is magpa opera na ako ASAP. Malaki na yung mga gallstones ko and definitely it was just a matter of time that it will cause a much bigger problem saken.
So ginawa ko nag pa schedule ako sa VRP Medical Center sa Madaluyong kasi kung sa St. Lukes baka di umabot yung coverage ng card ko sa dami na ng utilization ko. I was scheduled to undergo operation ng October 13. Sinamahan ako ng staff ng friend ko sa ospital kasi yung asawa ko need magbantay sa mga bata since wala kaming yaya. So ang sabi mga 3 days lang naman ako nasa hospital, and the following day after ng confinement ayun isasalang na ako kaso medyo nadelay ng ng ilang oras since tumaas yung bp ko.
Ang cute nito.😄 |
Sa totoo lang pang 5th operation ko na to. Naka 3 CS na ako and then apendectomy. So sanay na sanay na ako na pumasok sa ER pero di ko parin magawang di kabahan. Nung ipapasok pala ako sa ER nakakatawa kasi humabol talaga asawa ko.. siya yung naghatid saken at sa labas kinakabahan daw siya. Pang 3 beses na niya na mag antay sa labas ng ER pero never ata siya masasanay.
Gallbladder ko..medyo paga na. |
Ayun pinakita pala sa kanya yung gallbladder ko and then binigay din saken yung mga stones, nilagay sa isang lagayan for remembrance daw. Nakakatuwa kasi sobrang bilis lang pero as usual masakit pa din lalo na pag umuubo. After 3 days nakalabas din ako with the staggering amount of bill. HAHAHA!
Magkano lang na covered ng HMO and Philhealth and then nag shell out ako ng 100K. Ang sakit sa bangs, pero okay lang at least buhay ako at di na ulit sasakit ang tyan ko.
Ilang buwan na din ang nakakalipas kahit papano naka recover na ako. By the way laparoscopic cholecystectomy pala yung procedure na ginawa saken. Yung Philhealth coverage for this procedure is P31,000. Mas mahal siya sa compare sa open procedure pero mas mabilis yung healing process. Bale 3 maliliit na incision ang ginawa. Hindi guaranteed na wala adverse effect, pero sinabihan din ako ng surgeon ko na if in case may nahulog na bato or may naka bara sa bile duct mag proceed sila sa open cholecystectomy. Kinabahan ako ng very slight pero tiwala naman ako sa mga doctor ko. Ang nakakatawa pag gising ko tiningnan ko agad yung tahi ko baka kasi open procedure ang nangyari.
Sobrang grateful ako sa doctor ko na si Dr. Ronico Madrid. Sobrang galing niya and cool doctor. During my last day before discharge sabi niya pwede na daw ako mag samgyup. hahaha! Pero syempre joke lang yun!
Gusto ko magpasalamat sa kay Ms. Mary at sa staff niya na si Jona dahil binantayan niya talaga ako the whole stay ko sa hospital.
Sobrang memorable ng experience na to saken kasi ang dami kong natutunan. Mas lalo akong naging health conscious.. pero ayun lang di pa din ako pumapayat.. Ang importante healthy na ulit at wala ng nararamdamang sakit. Salamat din sa mga taong tumulong saken lalo na sa mga kaibigan ko na hindi nag hesitate na tumulong. Sobrang salamat!
P.S
Napagod na ako mag-english ng mag english.. bahala na kayo kung paano niyo tong iintindihin...may translator naman so keribels na yan!
Love,
Micah
Popular Posts
Welcome to Thriving Mama Blog: Embracing Life with Style and Grace!
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment